Gawaran si Miriam ng Quezon Cross!

SIGN AND SHARE THE CHANGE.ORG PETITION:
https://www.change.org/p/philippine-government-miriam-defensor-santiago-for-a-posthumous-quezon-award

miriam

Ang Congressional Quezon Service Cross ang pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa mga mamamayan nito. Iginagawad ito ng Pangulo sa pagsang-ayon ng dalawang kamara (Congress) – mataas na kapulungan ng Senado at ang mababang Kapulungan ng Kinatawan.

Iginagawad ito sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bayan sa pamamagitan ng paglilingkod at pagiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan.

Mula nang binuo ni Pangulong Manuel Roxas ang Quezon Cross noong Oktubre 21, 1946, ito at naigawad pa lamang sa limang kalalakihan.

  • Ambassador Carlos P. Romulo ng Camiling, Tarlac | April 12, 1951
  • Pangulong Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite | June 12, 1956
  • Pangulong Ramon Magsaysay ng Iba, Zambales | July 4, 1957 (posthumous)
  • Senador Ninoy Aquino ng Concepcion, Tarlac | August 21, 2004 (posthumous)
  • Kalihim Jesse M. Robredo ng Naga, Camarines Sur | November 26, 2012 (posthumous)

Sampu ng mga volunteers, netizens, at iba pang mga grupo na kasama nating humahanga sa isang natatanging Pilipino, sa ika-72 na kaarawan ng nasirang Senadora Miriam Defensor Santiago ng Iloilo, sinimulan natin ang kampanya upang kilalanin ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ang Senadora sa pamamagitan ng paggawad sa kanya ng Quezon Service Cross para sa kanyang academic achievements, government experience, at international recognition bilang isa sa mga pinakamagagaling na legal expert at lingkodbayan ng daigdig na nakaugat sa mariing paglaban sa korupsyon sa gobyerno – mga bagay na pawang isinasagisag ng Quezon Service Cross.

Ang nominasyon at kailangang manggaling kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kailangang sang-ayunan ng Kongreso. Sakaling ito at maganap, ang Senadora ang unang ihndi nagmula sa Luzon, unang babae, at unang kasapi ng hudikatura na mapaparangalan.

Naniniwala kami na ang buhay ng Senadora na kanyang maipapamana sa pamamagitan ng mga naitalang talumpati, aklat, at mga paninindigan at magiging kapakipakinabang sa mga susunod pang henerasyon ng mamamayang kumikilala sa kapangyarihan ng batas at sa pagsibol ng Republika.

Sakaling palarin na ang Senadora at siya ngang gagawaran, sana ay itaon ang pagpaparangal sa mismong araw ng kanyang ika-1 taong anibersaryo ng pagpanaw sa Setyembre 29, 2017 upang mas mabigyang kabuluhan ang araw na ito.

Let the next man be a lady – an Iron Lady.